Thursday, September 25, 2008

12 "S" Sa Sobrang Stress

12 “S” sa sobrang stress

Nakaka-challenge ang Buhay pero kaya mo yan…
Right attitude lang,
Tamang pag-iisip yan

Kapag sobra na ang stress mo, pagod na ang isipan, nanghihina pa ang katawan, gumawa ng paraan na bagay sa iyo upang makayanan ang stress sa Buhay mo…..

PILI NA……

12 “S” Panlaban sa SOBRANG STRESS


1. SPIRITUALITY
Ang paniniwala at pagtitiwala sa Lumikha o Diyos ay nagbibigay ng katuturan at halaga sa Buhay. Magdasal at mag-meditate.




2. SELF-AWARENESS
Tuklasin ang sariling kakayahan at katangian. Tanggapin na may mga bagay na kahit gustuhin mang baguhin ay di talaga kayang gawin.





3. SCHEDULING: TIME MANAGEMENT
Ang panahon ay mabilis na lumilipas kaya hindi dapat ito aksayahin. Mas magaan ang mga Gawain kung ito ay nakaplano at pinatutuunan ng sapat na oras.



4. SIESTA
Ang sapat ng oras ng tulog sa gabi, konting idlip sa tanghali, at pahinga kung napapagod na ay nakakatulong upang mare-charge ang katawan at isipan.






5. SENSIBLE DIET AND EXERCISE
Igalaw ang katawan. Iunat ang mga muscles at buto. Huminga ng malalim at gawing kalmado ang isipan. Regular na mag-ehersisyo at huwag kalimutang kumain ng tama.



6. SENSATION TECHNIQUES
Mag-relax at mag-pamasahe upang maalis ang mga tension at pananakit ng katawan at makaipon ng panibagong lakas.

7. SPORTS
Maglaro ng sports, pero bago sumabak sa anumang laro, alamin muna sa doktor kung ito ay kaya ng katawan o kalusugan mo. Makakatulong din ang pagsisimula ng hobby or gawain na paglilibangan mo.


8. SOCIALS
Makihalubilo sa ibang tao. Sumali sa grupo o organisasyon sa iyong komunidad. Nakakapagbigay din ng tuwa ang pagtulong sa kapus-palad.

9. SOUNDS AND MUSIC
Makinig sa nakakahalinang tunog ng instrument, huni ng kapaligiran, musika at awit. Mas makakabuti din kung ikaw mismo ng tunog at musikang ito.

10. SPEAK TO ME
Ang pakikipag-usap sa ibang taong mapagkakatiwalaan o kaya’y paglalahad ng problema at damdamin sa iba ay nakakatulong maibsan ang bigat na dinadala.





11. STRESS DEBRIEFING
Kung hindi na makayanan ang nararamdamang problema o bigat ng pakiramdam, sumangguni na sa propesyonal – pari, counselor, health o social worker o kaya’y sa duktor.







12. SMILE
Ngumiti, tumawa, magsaya at maging positibo ang pananaw sa Buhay. Nakakagaan ito ng pakiramdam.









Epekto ng Sobrang Stress



PHYSICAL
- iba’t ibang kirot at pananakit ng katawan
- problema sa panunaw at iba pang sakit ng tiyan
- paglala ng mga dati nang sakit at kundisyon





EMOTIONAL
- sobrang tension o nerbiyos
- pag-iyak
- problema sa pagtulog
- problema sa sex




BEHAVIORAL
- pagbabago ng moods.
- pagbabago sa personalidad.





At kung hindi nabibigyang lunas ang sobrang stress,
maaring mauwi ito sa depression at iba pang sakit sa pag-iisip

Krisis sa Buhay? Problema sa trabaho? Walang minamahal o nagmamahal?

NAKAKASTRESS ANG MGA YAN!

Panatilihing balance ang kalusugan ng isipan at katawan:

- maging alerto sa senyales ng sobrang stress
- alamin ang sariling kakayahan; at
- gumawa ng mga paraan na bagay sa iyo upang makayanan ang mga stress ng buhay mo

KAYA MO YAN!

No comments: